Sariling Atin Komiks

Thursday, February 16, 2006

MASAGANA ANG ANI

Image hosting by Photobucket Kay sarap nang mabuhay na kapiling ang minamahal, At ang bukid ay tigib sa kasaganaan na biyaya ng Maykapal. Kay sarap awitin ang Kundimang nagpatibok sa pusong pihikan at ang alaala ng unang halik na nagpasimula ng magandang kabanata sa pagsasamahan. Diyos naming minamahal, marami pong salamat sa mga biyayang aming tinatanggap at lagi po ninyo kaming patnubayan sa lahat ng aming gagawin ngayon at magpakailanman. Amen