Sariling Atin Komiks

Thursday, February 16, 2006

GISING NA MAHAL

Image hosting by PhotobucketMabigat at mahirap ang gawain sa bukid,
pawis at uhaw ang nadarama dahil sa init.
Sa tanghaling tapat ay gutom naman ang mararamdaman
at sa lilim ng mayabong na punong kahoy nakakapag-pahinga
habang hinihintay ang masarap na tanghalian na dala at niluto ni misis.
Sa sandaling ginhawang nadama ay tuluyan nang naidlip ang isipan
at napanaginipan ang masasayang araw ng kanilang pagmamahalan...
Ang tawanan, tuksuhan at tampuhan na di nagtatagal at sinasalitan ng suyuan.
Ang matahimik na pagtulog na pinipukaw lagi ng malabing na: " Gising na, Mahal.....nandito na ako."