Sariling Atin Komiks

Thursday, February 16, 2006

GUDTAYM

Image hosting by Photobucket Wala nang sasarap pa siguro sa pagkatapos ng isang masaganang pananghalian,
ang pagtungga ng Lambanog sa ilalim ng isang mayabong na punong kahoy.
Tahimik ang paligid maliban sa paghuni ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa ihip ng hanging amihan.
Hehehe...Malayo sa asawa at mga obligasyones sa bukid at bahay.
Haaayyyy...kung laging ganito sana, kay sarap mabuhay sa Mundong ibabaw!

( Sarap nga, huwag nga lang sana na ibuking ng batang hinabol mo kanina dahil nire-raid na naman ang iyong Bayabasan.)