Sariling Atin Komiks

Friday, March 17, 2006

ALOHA

Image hosting by Photobucket

Thursday, March 09, 2006

SI NENENG KO

Image hosting by Photobucket
Kay ganda ni Neneng lalo sa umaga
kahit Kalabaw ko'y masaya kapag nakita siya
Malinis na Birhen, ugali ay mahinhin
kabanguhan ay likas tulad sa isang Rosas
Araw-araw ako'y laging dumadalaw
Tumutulong sa gawain at lahat ng bagay
Salok ng tubig, sibak ng panggatong,
gawain sa bukid, laging nakatulong
Hindi pa nagtatapat, hindi rin maka-diga,
puso ko'y tumatalon kapag kaharap na siya!
Ako'y nato-torpe at nangungupete,
hindi ko malaman kung paano dumiskarte
Ang alam ko lamang siya ay mahalin
Habang buhay ko siyang laging sasambahin
Lagi kong pangarap at idinadalangin
siya na ang magtapat na ako'y mahal din! Haaaayyyy!

( Ay! Ano ka ba? Torpe! Baka maunahan ka pa ng Kalabaw mo diyan, sige ka! )

BERTONG AHENTE

Image hosting by Photobucket
Si Berto ay isang tunay na ahente
bocadura ay magaling at grabeng mangumbinsi!
Kahit na ano'ng ibenta, tiyak mabibili
mahusay mangusap at napaka-disente
Minsa'y napagawi sa aming munting baryo
puro pampaganda ang dalang produkto
Lahat na makita na mga babae
mabilis na binentahan, pilit kinumbinsi
Walang nakaligtas na dalaga, may-asawa o, mukhang Kapre
Lahat ay nagsibili ng produktong pampa-arte....
Kaya parang isang himala tuloy ang nangyari
Lahat nagsiganda, lahat naging sexy
Naku laking tuwa ng mga lalaki,
ginawa tuloy nilang kumpare si Bertong Ahente!

MUNTING KASAYAHAN

Image hosting by Photobucket
Tagay mga Pare at walang atrasan
walang titigil sa laklak hangga't may tuba ang tapayan!
Sige tagay, inom at nang masiyahan
para tuloy-tuloy ang tawanan at ating kantahan!!
Lasing na si Pedro at nagkakanda-suka,
hindi napapansin ang nagagalit na asawa
Ang anak na dalaga namang ay naka-irap,
sa Nobyong sa tagay di na makaiwas tumanggap.
Dito sa Pilipinas kahit Pinoy ay naghihirap,
sanay sila sa paghanap ng kahit konting sarap
May gitara lang, tuba at kahit anong pulutan,
saglit na nalilimutan problema at kalungkutan
Nalilibang na sa pagdawit.... ng munting kasayahan

Friday, March 03, 2006

PALPAK ANG HARANA

Image hosting by Photobucket
Takbo, paa takbo! at baka ako ma-dedbol
ng Asong humahabol sa galit ay nagu-ulol!
Harana ay pumalpak dahil ang Tatay hindi nagalak
sa sintunadong gitara at boses palakang kokak!
Takbo, paa takbo! at iligtas mo ako
sa matatalas na pangil at matatalim na kuko!
At kung hindi titigil sa pag habol ang lintek na aso
siya ang kakagatin ko pagdating sa aking teritoryo!

Thursday, March 02, 2006

JUAN TAMAD (UNDESIRABLE CITIZEN)

Image hosting by Photobucket Ano ka ba naman, Juan? sa Bayabas nakatanghod
Puro ka tulog habang ang lahat ay kumakayod
Ayaw mong magtrabaho ayaw mo ring bumoto,
masisira ang iyong prinsipyo at wala kang bilib sa gubyerno
Taong-bayan ay nagra-rally ikaw ay tulog ayaw sumali
mas gusto mong ilatag ang katawan mula umaga hanggang gabi
Bangka mo'y inaanod, Nanay mo'y nanggagalaiti,
Kalabaw mo'y sobra rin ng tamad sa tulog din nawiwili
At Dalag na nabingwit baka ibon lang ang dumagit
Bayabas na inaasam-asam...nabulok na sa paglawit.
O, Juan kung ang Kaban ng Bayan ay sa katulad mo iaasa,
Siguradong bagsak-lagabog ang ating ekunomiya!

MGA HALIK AT YAKAP

Image hosting by Photobucket
Naku, Temyong please lang at tama na muna,
ang sabi mo'y isa lang, iyon pala ay isang dosena!
Sobra na sa halik at pati yakap kasama pa!
Sobra kang lumingkis- daig mo ang isang Sawa!
Pero kung hindi lang dahil kay Inang na tumatawag....
I will stay with you, kahit sa buong magdamag.
( O, sige, last na ito at mag-behave ka na! )